Palakaibigang Paalala (Friendly Reminder) Para sa Araw ng mga Puso

Bukas! Oye bukas, Valentine's day na. Maraming date mangyayari. Mag syota, mag asawa, magkakamag-anak, magkapit-bahay, magkababata, magkaibigan, magka-FB, magkalaro sa DOTA, oy teka, magka-FB?!? Oye, kasi sa panahon ngayon, uso na maghanap ng syota sa Facebook, may iba pa nga e, di pa nagkikita sa personal e makikita mo nang naka-married na, talaga naman. Ano kasunod nang pagiging close sa isang taong nakilala mo lang sa internet? Siyempre, ang paborito ng mahaharot, EYEBALL. Kuuuu, sarap tanggalan ng eyeball.


Dahil bukas e araw na nga daw ng mga puso, gusto ko lang magpaalala. Delikado ang makipagkita sa isang taong nakilala mo lang sa internet, lalo na kung babae ka. Pero di ibig sabihin nun e safe na tayong mga barako. May mga nae-FB din kasing mga barako na nagtatago sa likod ng isang magandang larawan ng dilag, yay, nakakatakot yun. Pero pokus muna tayo sa mga babaeng karaniwang nadadale. Payo ko lang, lalo na dun sa mga batang babaeng nasa high school pa lang at pababa, wag na wag kayong papayag na makipag-meet nang kayong dalawa lang nung taong nakilala mo lang sa chat o fb. Kung di mo mapigilan ang tibok ng iyong kaharutan, marapating magdala ng kasama. Wag pupunta sa lugar na wala masyadong tao, the more, the many-er sabi ng Mang Inasal. Maganda rin yung ideyang papiktyur kayo sa friend mo, para malaman kung anong hitsura nang huli mong nakasama kung sakaling may mangyaring wala sa script. Tama si Uncle Walrus, sa Araw ng mga Puso, di sapat ang paalalang, "Hoy KONTING ingat,". Mas maganda kung MADAMI. Hindi rin daw excuse kung hindi ka na bata, dahil sa panahon ngayon, di mo na mabibilang ang mga halang ang kaluluwang gumagala at nagpapanggap na tao.

Bukod sa mga nasabi ko sa taas, pinakamainam pa ring sandata sa sakuna ang "pagiging hindi tanga".


Oge, basta bukas mga tolongges, madaming ingat lang kung san man kayo pupunta. Gandang gabi.

n_n

Spread this if you liked it »»

Posted in , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

6 Responses to Palakaibigang Paalala (Friendly Reminder) Para sa Araw ng mga Puso

  1. tama,
    better safe than sorry!

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. prevention is better than cure.

      tama ba yun? :D

      Delete
  2. banat kapatid! spread the word, and keep noted.

    ReplyDelete

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.