Kumusta naman ang pwet nyo? Pwet pa rin ba? n_n
Anyway my way, ilang araw na rin mula nung unang pumutok sa internet ang kontrobersyal na kumento ng isang Ahcee patungkol sa mga bisaya nating kababayan. Anak ng, trending sya pre, maraming salamat sa mga "feeders". Iba't ibang pangalan at litrato ang naglabasan sa na nagsasabing siya ang tunay na Ahcee. Siyempre, tayong mga Pinoy naman eh di madamot, kaya libu libong "shares" din ang nangyari. May mga pangalang Althea, Gladys, Roberto, Juan, Severo, haynakunaku. Iba iba din yung mga litrato, may mukang bisaya, may mukang tagalog, mukang alien, mukang cartoon character, mukang ikaw, haygulogulo. Kaya wag ka nang mabigla kung isang araw eh kumakalat na rin sa internet ang picture mo at may nakasulat na "Ang tunay na Ahcee Flores", hala.
Sa totoo lang, hindi ko rin talaga kilala si Ahcee. We're not close you know. Hindi rin kami open. Kayo ba, kilala nyo sya? Weh? Di nga? Kwento ka naman my friend.
Maganda sanang idulog ito sa Congress nang maimbestigahan kasi nga di ba, kung makapag file sila ng impeachment ay ora ora. Pero duda kasi ako eh, baka pumalpak din sila, at lalong matagalan, kaya sa DOG oDepartment of Google na lang ako dumulog, at salamat naman, matapos ang 0.11 seconds aay binigyan ako ng 37,600,000 resulta sa pagbanggit ko pa lang sa pangalang Ahcee Flores, at siguro naman ay hinihingal na kayo kasi nga hindi pa ko gumagamit ng tuldok sa dami na nang nasabi ko, sorrrrryyyy. Pero in fairness, salamat sa mabilis pa sa kidlat na resulta ng imbestigasyon ng DOG, malamang magkaka-anak na si Pnoy ay matatapos rin ang pagtuklas sa tunay na katauhan ng ating mistery searchee number 1, Ahcee, yuhooo!
Ibabahagi ko sa inyo ang opinyon ko patungkol sa isyung ito. Di ko hinuhusgahan si Ahcee, kasi di ko rin alam kung siya nga ang nag post ng mga yun. Kayo, alam nyo na ba? Siguro naman hindi kayo ipinanganak kahapon para di nyo maintindihan 'to: "On the internet, you can be the president, or even God, without the people knowing that you're just a dog,". It's not that I'm siding with that dog ha, bisaya din kaya ang inyong lingkod. Naaawa lang kasi ako sa mga taong tinuturo at pinagbabantaan, di lang isa, kundi marami sila. Malay nyo, ako yun. Joke joke joke.
Ang tawag daw sa mga ganyan ay "troll" at yung ginagawa nila "trolling". Ayon kay Maribeth Oliver ng Web Safety PH site, isang partner ng Yahoo! Safely, trolls like to:
• Spread rumors (for example, a noted person dying)
• Gossip about celebrities (celebrity A is gay or having an affair)
• Assume the identity of other users
• Attack people and entities under the guise of their “right to free speech”
• Bully people who can’t fight back including celebrities, politicians and other prominent people who know it’s self-defeating to engage in a cyberwar with a troll.
May mga payo din si Maribeth kung pano mo mapoprotektahan ang iyong sarili sa mga taong ganito.
• Do Not FEED the troll. Keep cool. Don’t reply.
• Ask your friends not to reply to a troll.
• Block a troll, flag the offensive comment or report him or her to the site administrator. If the troll shows up under another account name, block him again
• On your social account or your blog, adjust privacy settings moderate comments, or disallow comments, to keep them out.
O, sana naman may nai-share ako sa inyong "maliwanag". Pero kung magagalit kayo sa'ken kasi di ako nakikiisa sa inyo, bahala na kayo dyan.
PS. sa ginagawa ninyong pagpansin sa taong ganyan, paggawa ng pages "dedicated" to them, pag share ng pictures na di naman sigurado, palagay ko, di na kayo nalalayo kay Ahcee.
Good day.
Tingin ko, eto yung tunay na itsura ni Ahcee. n_n