Sulat Para Kay Edwin

Kumustamos amigos and amigas!
Eto na naman tayo, magkakatuwaan para naman maibsan ang bigat ng atig dinadala sa araw araw. Oo na ate kuya, mayaman na kayo, kung sasabihin mong wala kang dalang mabigat, tanginang yan, ikaw na pinagpala. O sya sya, di ko na hahabaan pa ang litanya, ibabahagi ko lang ang kwento ni tito Walrus.

Handa ka na ba? Pwet, este pwes, basa. (may ganun pa talaga)




Pards, paki translate naman itong sulat galing kay Samantha, penpal ko sa US hindi ko maintindihan yung sulat, english kase. Paki translate lang.


My dearest Edwin,

Pards: Ikaw yun.
Edwin: Oo ako yun.

How I long for your arms.

Pards: Pano daw humaba yung braso mo?
Edwin: Hindi naman mahaba yung braso ko...
Pards: 'E hindi ko alam, yun yung tanong nya.

The first time I saw your picture, I felt happy.

Pards: Nilagare daw nya yung litrato mo. Natuwa daw sya nung nilagare nya..
Edwin: Baket naman???

You have beautiful eyes.

Pards: Pangbabae daw yung mata mo. Ayaw siguro sa pangbabaeng mata kaya nya nilagare...
Edwin: 'E bat kailangan pang lagariin? Pwede namang guntingin nalang...

I lost your picture last week.

Pards: Winala daw nya yung picture..
Edwin: Sana sinoli nalang nya!

But i felt glad when i saw it again.

Pards: Natuwa daw sya nung nilagare nya ulit yung picture.
Edwin: Akala ko ba winala nya?
Pards: Oo nga.. hindi ko din alam.

Even though you wrote me in Filipino, and I didn't understand your letter, I appreciate the thought.

Pards: Kahit Filipino ka daw at hindi sya marunong magbasa, natutuwa sya na nag-iisip ka.
Edwin: Hindi sya marunong magbasa? Tingin nya sa mga Pilipino hindi nag-iisip?
Pards: Siguro...

I hope you can send me more pictures.

Pards: Padalahan mo daw sya ng litrato ng sigarilyo
Edwin: Baket???
Pards: Ewan ko.. yung "More" daw.

I'm sure you won't mind? :)

Pards: Sigurado daw syang hindi ka nag-iisip. May smile pa...
Edwin: Loko pala yan 'e!
Pards: Oo nga.
Edwin: Pards, paki sulatan nga... sabihin mo lang na hindi ko na babasahin ang mga sulat nya, At hindi na din ako magsusulat sakanya! At paalam na sakanya!
Pards: Sige sige.

Dear Samantha,

I am no read, no write.

Babay to you,
Edwin

Ang saklap ng lab istori ni pareng Edwin.

Spread this if you liked it »»

Posted in , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

22 Responses to Sulat Para Kay Edwin

  1. Reminds me of Dolphy translating English songs and vice versa. Laugh trip!

    ReplyDelete
  2. Ayus! Nakakaginhawa ang paminsan-minsang biruan. ^_^

    ReplyDelete
  3. hahaha that was actually funny...

    ReplyDelete
  4. Oh yeah! +1'd! Ang lakas ng trip wagi!

    Kawawa naman c Edwin. Ang tanga kasi ng translator nya eh. Lesson: Wag basta-basta magtiwala at maniwala sa kapwa. haha.

    Aus to. Nakakawala ng umay.

    ReplyDelete
  5. Salamat naman at napatawa ko kayo mga ser! Mukhang napakaseryoso na kasi nila e :D

    ReplyDelete
  6. akala ko kaya sigarilyo dahil sa HOPE, un pala dahil sa MORE ;)

    sad love story...

    ReplyDelete
  7. napahalakhak po ako! may dating... :)

    ReplyDelete
  8. This made me laugh! +1 to you!

    http://chelinumerable.blogspot.com

    ReplyDelete
  9. Salamat sa pagpapatawa sir! :D Saklap nga naman ng lablayp ni Edwin.. XD

    ReplyDelete
  10. Well!
    You made me smile!
    But you know what, there is a gist of truth in this..
    Masaklap nga! ahay!

    ReplyDelete
  11. natawa ako dun ha../hehehe...thanks for making my morning smiley!!!!

    ~gagay~

    ReplyDelete
  12. hahaha... nagising akong bigla. good sense of humor, bro. Yahweh bless.
    http://trunklocker.blogspot.com/2012/02/motorcycle-headaches.html

    ReplyDelete
  13. Nice plot, you should do a comics strip. More power. God bless.

    ReplyDelete
  14. Sa lahat ng nasa taas ng comment kng to, maraming salamat po. Naway gumanda at pumogi at tumangkad pa kayong lahat :D

    ReplyDelete
  15. hahahahahahaha! ano ba ito... grabe tumatawa akong mag isa. kulit! more power to you and to Edwin! lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. tawa tawa din mam para matagal tumanda! :D

      Delete
  16. Ang cute2x Paliiits!!!! Idol kita! Yoohoo! Napatawa mo ako, nagmukha akoang tanga dito sa coffee shop! hahahahaha

    ReplyDelete
  17. iba talaga ang mga kwelang tagalog, na miss ko tuloy agad ang pumanaw kong ama, siguradong tatawa sya pag nabasa nya ang masaya mong kwento.

    salamat sa pagbisita, sanay hindi ka ma-dala.

    ReplyDelete
  18. Hahaha! Ang kulit! Salamat sa kwento... This made my day! :-D

    ReplyDelete
  19. Haha. Keep them coming. A laughter a day keeps the blues away.

    ReplyDelete

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.