Ano Sa'yo ang Valentine's Day?

Hello imaginary readers. Malapit na ang balentayms, at lahat ng napupuntahan kong blog ay may mga posts nang patungkol dito. Ako na lang ata ang napag-iwanan, kaya eto na, eto na nga.

Pero bago ang before anything else, lahat ba kayo e alam kung ano talaga yung V-day? Naks, bilis nakapag-open new tab ni tita at tito, hahanapin yan sa Google. Aysus, ayos lang yan, ganyan din naman ako e.

Sabi ni tita Wiki P.:

Saint Valentine's Day, commonly shortened to Valentine's Day, is a holiday observed on February 14 honoring one or more early Christian martyrs named Saint Valentine. It is traditionally a day on which lovers express their love for each other by presenting flowers, offering confectionery, and sending greeting cards (known as "valentines"). The day first became associated with romantic love in the circle of Geoffrey Chaucer in the High Middle Ages, when the tradition of courtly love flourished. It was first established by Pope Gelasius I in 496 AD, and was later deleted from the General Roman Calendar of saints in 1969 by Pope Paul VI.
Modern Valentine's Day symbols include the heart-shaped outline, doves, and the figure of the winged Cupid. Since the 19th century, handwritten valentines have given way to mass-produced greeting cards.


O diba, holy sya? Para din syang Christmas, All Saints' Day, All Souls Day, Holy Week, at kung anu ano pa. Banal diba? Pero ang hirap sa iba saten e binabalbal ang kabanalan ng araw na ito.

Uso sa Facebook status at Tweeter tweets yung mga linyang nagrereklamo dahil wala daw date sa Valentine's Day, mga nagpapapansin para alukin ng date, mga bitter bitteran kasi napunta na sa iba yung dati nilang kasama nung nagdaang V-day, mga nag-aalok na maging ka-date at haynakunaku ewan ko na lang, dami e, try mo hanap sa FB nyan, andami.

Problema kasi, isinasara ng iba yung utak nila at tinutuon lang sa kaisipang ang Valentine's day ay para lang sa magsing-irog. Namaaaaaan, nakakahiya ka kung ganun ka mag isip. E ano ngayon kung wala kang syota? wala kang ka-date na gwapo o maganda? walang magbibigay ng flowers at chocolates? walang magpapakain sa'yo ng kwek-kwek? Di mo naman yan ikamamatay kung wala kang ganyan e. Lawakan ang isipan, andyan ang pamilya mo. E kung si Nanay na lang bigyan mo ng roses, wag na chocolates dahil delikado sa diabetes. Ibili mo nang sandamakmak na isaw ang mga kapatid mo. Tumagay kasama si Itay. I-date ang buong pamilya, di ka pa mamomroblema kasi di mo na kelangan pang magpa-pogi o magpaganda, kasi para sa kanila, ikaw na, the best ka. Paalala lang din, ang Araw ng mga Puso ay paggunita sa mga martyr na Valentine, (e.g V1, V2, V3, basta madami sila), sana'y hindi lang sa araw na 'to tayo maging "loving", mas maganda kung aaraw arawin natin to. Sabi nga nung isang TV station na di ko na lang sasabihing GMA, araw-arawin ang pasko. Dito, mangangahas akong sabihing, "Sana'y araw arawin din natin ang Valentine's day".

-------------------------

Nakita ko lang tong litratong to.

Kahit sa mahalay na paraan, naipapakita dito na pwede rin tayong maging masaya sa Araw ng mga Puso kahit mag-isa. Good day!

n_n

There is no friendship, no love, like that of the family. - Henry Ward Beecher

Spread this if you liked it »»

Posted in , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

41 Responses to Ano Sa'yo ang Valentine's Day?

  1. valentines day ay araw ng mga puso kaya ang mga kapuso sa araw na ito ay mamamayagpag... sa tabi muna mga kapamilya at mga kapatid... :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. so panu yan, chapwera muna sila? hirap nyan, parang di ko kaya isantabi ang kapamilya, haha.

      Delete
  2. lol! natawa naman ako sa "kahalayan!" korek ka dyan.. love everyday.. show your love everyday.. it's a beautiful thing!:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. masarap talaga pag inaaraw araw ang love. yan lang ang ulam na di nakaka-umay n_n

      Delete
  3. Tayo po ay mag-ingat sa Valentines Day. May intensity 10 na lindol sa mga sumusunod na lugar.

    1. Pasay
    2. Pasig
    3. Sta Mesa

    Kung may alam pa kayo kung saan magkaka-intensity 10 na lindol, ipagbigay-alam po ninyo sa akin. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Intensity 7 pa lang sa Makati at Shaw. HAHA

      Delete
    2. Sa malate, malamang meron din dun, hahaa :D

      Delete
  4. oh no may xxx pala dito... hehe.. valentine's naku tagal ko na etong di sine-celebrate.. with a lover i mean.. lagi nalang with friends.. hehe group dinner date lang. this time sana meron na (wish ko lang.. kung may biglang darating na last minute.. hehe) but for now in case wala, will just go out with family... ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha, ssshhhh, lagot tayo kay "ehem, excuse me po" nyan mam. Nung mabasa ko tong "valentine's naku tagal ko na etong di sine-celebrate.. with a lover i mean", nakunaku, binuksan ku kagad ang facebook mo, at napaisip ako, ba't kaya? hehe, anyhow bahaw, ayos lang yan mam, darating at darating din yan. Kung wala, anjan naman sina friends, pati family n_n

      Delete
  5. Dami kong tawa sa imaginary readers. Balentayms is about expressing love not only to your partner but also to friends and family. Sana may bumili ng isaw para sakin!

    ReplyDelete
    Replies
    1. madalang kasing may taong pumunta dito mam e, marami lang imaginary, hahaa. isaw ba? ilan ba sayo? n_n

      Delete
  6. Hahahaha! Nalokah ako sa picture. harhar..

    Valentine's Day? HIndi lang yan para sa mga lovers.. kundi para sa mga tao na kino-consider mo na special sa puso mo. They can be your friends, your family.. your boyfriend/girlfriend/s.. hehe..

    And just like Christmas, dapat tlga everyday. Hindi lang dapat sa isang araw.. Give and express love EVERYDAY! :)

    Happy Valentine's Day! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. It's more fun in the Philippines nga daw eh, hahaa. Happy Valentine's day mam n_n

      Delete
  7. Sa akin ipapakita ko sa family kung gaano sila ka importante sa buhay ko.. Everyday should be a valentines day,..

    ReplyDelete
    Replies
    1. korek! mahalaga ang pamilya, kaya wag tayong magsasawang ipakita at ipadama sa kanila ang ating pagmamahal n_n

      Delete
  8. for me, Valentine's day is not only to lovers but also for every relationship. IT is spent with the people you love - family, best friends and etc.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama. kaya sana matauhan sila n_n
      hindi yung hanap nang hanap ng makakdate sa internet.

      Delete
  9. Happy Balentayms Ka-blogger, oo nga naman ang araw ng mga puso ay hindi lamang sa mga magsing-irog, para ito sa lahat ng nilalang sa mundo, kahit mga saging, dahil sabi nga ni Mark Lapid saging lang daw ang tunay na may puso. :)

    ReplyDelete
  10. Tigang ... tuyo ... disyerto ... oh well ... masaya naman buhay ko.

    ReplyDelete
  11. sana nga araw-araw pasko, valentines at iba pang holidays para masaya... sana nga lang di tayo magsawa... lol. Yahweh bless.

    ReplyDelete
  12. hahaaha, naaliw ako dito! Thanks for sharing.:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. masaya akong nakapagpaaliw ako ng mambabasa n_n

      Delete
  13. Hahahaha...magpapicture dion cguro ako na ganito ang pose...self hug...galing...

    ReplyDelete
  14. many hate the church, but then nagce2lebrate cla ng Valentine's Day, lingit sa kanilang kaalaman na ang araw na ito ay araw ng isang santo at hindi lang bsta2 gnawang occassion,

    thanks for dropping by in my blog,
    i followed you! hope you follow back

    :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa wakas, may nag follow na din sakin. at dahil jan ser, may premyo ka sa darating na pasko xD

      done following you too. salamat.

      Delete
  15. araw-araw dapat valentine's day algi para masaya :)

    ReplyDelete
  16. I don't celebrate Valentine's Day. For me, everyday dapat magmahalan.

    ReplyDelete
  17. Nakakalungkot lang kahit sarili ko di ko mai-ti-treat bukas dahil sa trangkaso.. >.<

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayos lang yan mam, maraming pedeng gawin sa bahay. tabla tabla lang tayo n_n

      Delete
  18. V day is just an ordinary day for me since I don't have a boyfriend or husband. So from the point of view of a grumpy blogger, V day is nothing but a commercial event hyped by commercial establishments and restaurants to generate more sales. :)

    http://travel-on-a-shoe-string.blogspot.com

    ReplyDelete
  19. just like ordinary day hehehe walang ka date kasi..

    ReplyDelete

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.