Opinyon Mo, Opinyon Ko

Buenas noches tolongges!

Di ko na muna kayo kakamustahin dahil in my opinion, ganun parin kayo tulad ng kahapon, lamang nga lang ng isang paligo ang iba. Uuuuy, maliligo na yan, asus, nahiya ka pa friend.

Kakarating ko nga lang pala mula sa isang "enlightenment" session. Ayoko talaga sanang pumunta kaso nahihiya akong tumanggi e, ngayon lang kaya ako kinausap ni ate, tapos tatanggihan ko pa yung alok niya. Naisip ko talaga, ganun na ba talaga ako kaitim at kailangan na ng "enlightenment". Anyhow kalabaw, hindi yung "religious recruitment" ang topic natin ngayon, kaya balik tayo sa opinyon.

Ang opinion na kung tawagin sa tagalog ay opinyon o palagay ay isang paniniwalang naaayon sa ating mga kuro-kuro at ito'y resulta ng ating emosyon at pagkakaintindi ng katotohanan. Dahil sa opinyon, ipinanganak ang argumento. So ngayon masasabi nating ang mga magulang ni Ginoong Argumento ay sina Ginoo at Ginang Opinyon, maliwanag? Dahil sa opinyon, maraming buhay ang nalagas, maraming nawalan ng tahanan, nawalan ng asawa, nawalan ng hanap buhay, nawalan ng kapit-bahay, nawalan ng virginity, at meron ding walang wala na eh nawalan pa nang dahil sa opinyon. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay masama ang opinyon, dahil marami ring nagkaron nang dahil sa opinyon. Tanungin mo ang mga call center agents ng Opinionology.

Nung elementary, lagi kong naririnig sa mga naging titser ko ang mga tanong na pinangungunahan ng, "In your own opinion....,". Naalala ko, nung minsang tinanong ako ng, "In your own opinion, why did Lapu lapu killed Magellan?", sagot ko naman, "Because Lapu lapu cannot understand him mam", ayun, tawanan buong klase. Pero siyempre ako ang bida, pinagtanggol ako ni mam, kasi nga raw, "WALANG MALING OPINION".

Sa palagay mo, tama kaya si mam?

Nang dahil dun, lumaki akong naniniwala sa sarili at handang panindigan ang mga binibitawan kong opinyon. Kayo ba, hanggang san nyo ba kayang panindigan ang mga binibitiwan ninyong kuro kuro o palagay? Kaya mo bang sumalungat sa opinyon ng karamihan? O magbibihis kalabaw ka na lang din tulad nila?

Bago kumain eh magiiwan ako ng opinyong bahala na kayo kung papatulan nyo o palalampasin na lang. In my own opinion, all of your opinions are wrong.

Tara kain. n_n

Spread this if you liked it »»

Posted in , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

Leave a Reply

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.