Hinahanaphanap Kita

Kita nyo naman, drama ang pamagat. Siyempre, tao lang din ako, nasasaktan din (asus!). Pero yun nga lang, di ko masyadong pinapatagal ang mga ganung damdamin. Sino ba naman ang may gustong araw araw nasasaktan.

Bueno, bago pa mapunta ng Mexico ang usapan, balik tayo sa main topic. Noong medyo bata pa ako, may nakilala akong isang paslit. Palaboy lang sya sa daan. Payat, medyo kokonti lang ang buhok, ngunit may napakaamong mukha. Kaya nung minsang nagkasalubong kami ay agad ko siyang kinausap. Tinanong ko kung asan na ang mga magulang niya, kung san sya nakatira, kung sino ang kasama niya, at kung anou ano pa. Binigyan ko rin siya ng tinapay dahil halatang gutom na ito. Kinuwento nya sa'kin ang kanyang buhay. Ang alam nya daw eh patay na ang mga magulang niya.

Spread this if you liked it »»

Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

Leave a Reply

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.