Pag-ibig Na Nga Ba? O Papogi lang?

Usap usapan na naman sa tibilisyon ang isang ligawang nagaganap. Akalain mong mas patok pa ang balitang to kesa sa nagaganap na moro-moro sa impeachment court. Araw araw, may update. Araw araw may pasabog. Sa kakapanuod ko ng news, may napapansin na tuloy ako sa diumanoy "umuusbong na pag-iibigan".

Naging laman ng tibilisyon, dyaryo, radyo, kumpulan sa kanto, labahan sa may ilog ang pagde-date daw ni Grace Lee at ni Pnoy. Mas tumindi pa talaga to nung nagkaaminan na na lumalabas sila. Natawa nga ako minsan nung sinabi ni Grace Lee na,

I don’t know about calling everyday, I don’t wanna divulge too much details, pero yes very normal, like any normal guy.”

Ano pumasok sa isip nyo? Sa pagkakasabi e parang iniexpect ng karamihan na abnormal si Mr. President. Heeeeeheeee. Peace.

Anyhow inihaw, ano nga ba talaga magiging papel ni Grace Lee? Girlfriend o bagong spokesperson? Ang dami niya kasing binibitiwang statements na para bang binibigyan niya ng make-over ang presidente, kaya naisip ko, baka siya na ang papalit kay Edwin Lacierda. Naknang!

Kayo kaya, ano masasabi nyo? Eto yung mga sinabi ni Grace.

We’re still at the stage of getting to know each other.”

Matapos ang ilang date.

He’s brilliant, he is the most intelligent man I’ve met in my life.”

Pero eto ang nakakatakot.

Whatever we talk about — whether politics, economics, books or music — he’s so knowledgeable. He knows a lot. Whenever some critics say bad things about him, that he’s not aggressive or that he’s not matalino, I’d debate them and tell them he’s very smart.”

Anak ng tinapay, magagamit ng Pilipinas yung katalinuhang ibinahagi ni Mr. President kay Grace, kahit yung patungkol lang sa ekonomiya natin.

Ang tumatakbo sa isip ko ngayon? Dalawang katanungan lang naman. Totoo na nga ba ang pag-iibigang ito?




O baka diversion lang si Grace Lee para matakpan ang pumapangit na imahe ng pangulo? Magkaganun man, "it wouldn't be the first time that Pnoy and his cohorts are using someone to get media mileage".

Spread this if you liked it »»

Posted in , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

2 Responses to Pag-ibig Na Nga Ba? O Papogi lang?

  1. oh well,all is well! hahahaha make sense?? :)) yes!! di ko panget gaya mu!! este nyo!! hahahahaha

    ReplyDelete
  2. @TAriRAY salamat sa pagdaan at pag iwan ng tae, esto kumento. masaya ako't hindi ka panget, congratulations, tunay kang pinagpala. good luck sa buhay n_n

    ReplyDelete

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.