Piyesta ng Itim na Nazareno

December 25, Christmas.
January 1, New Year.
January 9, let's get ready to rambooooooooooool!

What's with the Black Nazarene? May Negrong Kristo ba talaga? Alamin natin ang kasaysayan. Ayon kay Uncle Google, andun daw kay Tita Wiki ang history. Kaya tinanong ko si Tita Wiki and here's the answer:

The Black Nazarene, known to devotees in Spanish as Nuestro Padre JesĂșs Nazareno (abbreviated as NPJN, Filipino: Mahal na Itim na Nazareno, English: Our Father Jesus Nazarene) is a life-sized, dark-coloured, wooden sculpture of Jesus Christ carrying the cross, believed to be miraculous by many Filipino Catholics. The statue was carved by an anonymous carpenter in Acapulco. Originally fair or light-complexioned, it turned dark after it was exposed to fire on its arrival from Mexico.

Kamangha mangha nga naman. Kung sa boxing, bugbog sarado sa ating mga Pinoy ang mga taga Mexico, pero pagdating dito, samba to the highest level si Juan. Kung ang mga puti din sa Amerika ay dinediskrimineyt ang mga niggahs, naku, ibahin mo sa Pilipinas dahil dito, panatiko si Juan at Juana sa negro.

Wow sabaw. Isipin mo na lang anong masasabi ng mga neo-Nazi sa ating mga Pinoy nyan. Kung sabagay, marami namang napapasaya ang kapistahang ito dahil nga walang pasok sa eskwela, walang signal, walang kostumer ang mga tindahan, at walang trapik. Nasambit pa nga ng isang porenjer, "It's more fun in the Philippines because there's no signal.". Naks naman, I'm proud to be Pinoy.

Tuwing kapistahan din ng Poong Nazareno mo rin makikita na ang iba't ibang sikat na COLOR GROUP.
1. Partido Liberal - sila yung mga naka-yellow nakasakay sa karo kasama ang estatwa ng Itim na Nazareno.

2. Maroon 5 - sila naman yung mga debotong nakasunod sa karo, naglululundag para makasakay, humihila at nag aagawan sa lubid, nagsisigawan, nandudukot ng wallet, nang aagaw ng cellphone, nambubugbog (sigaw ng mga to, "Bubugbugin namin yan, bubugbugin namin yan! Isa lang!"). Aba talaga naman, nabigla ako, kala ko ba sagrado ang okasyong ito. It really is fun in the Philippines.

3. Plain White T's - eto naman ang majority ng madlang pipol ni Kuya Kim.

4. Color Me Bad - sila na yung mga di na nakisabay sa usong kulay ng tatlo sa taas. May mga snatcher ding humahalo dito, nagsusuot ng iba't ibang kulay ng damit para di kagad mahuli pagkatapos makagawa ng krimen.

5. Black Nazarene - siyempre pa, kung wala siya, ano pa silbi ng pagdadambahan, pagtatapakan, pagsasakitan nila?



Magkagayunpaman, kahit na iba iba ang kulay ng mga damit nila, there's one thing that is common to this devotees and fanatics, at makikita mo yan sa litrato sa baba.



Biro lang. Siyempre di lang yun ang nag iisang bagay na magkapareho sila, malamang lahat din sila ay nagkakaisa sa isang goal: ang makahipo. Sa Poon. Di ko nga lubos maisip bakit after makahipo o makapahid e para bang, "Yes, pwede na akong mamatay!", ang maaaninag mo sa kanila. Tignan mo si ate, matapos nyang maipahid ang bimpo e wala na syang pakialam kung may sasalo ba o wala.



Kung nanonood kayo ng news sa TB, makikita nyo na di basta basta ang sinasapit ng mga deboto. Di ko lang talaga maintindihan e, kung bakit kailangan pang magkasakitan. Ganun ba ka-strikto si Papa God, na kung sinong malakas, sinung magaling sa tapakan, sikuhan, siya yung ultimate champion? Ba't ba kailangang mag-paa? Nasa Bibliya ba na dapat mamatayan ka muna ng kuko sa paa kada ika siyam ng Enero para wish granted?

Talaga nga namang it's more fun in the Philippines. Di pa nawawala ang smog dala ng goodbye Philippines, ayun si Juan, nakipagdambahan at nakipagsikuhan na sa Quiapo.

Onga pala, wala ako dun. Ikaw?

DISCLAIMER: This entry DOES NOT mean to desecrate the holiness believed by many. Ang mga nakasulat po dito ay opinion na ninais ko mang itago sa isipan ko'y di ko magawa ng matagalan. Kaya eto, di pa lumilipas ang isang araw, e sinulat ko na.

Spread this if you liked it »»

Posted in , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

Leave a Reply

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.