Language Barrier

Kasalukuyang nangyayari sa bilabed Pilipins.

"Manong, nanonood ba kayo ng impeachment trial sa tibilisyon?"
"Hindi na, di rin naman namin naiintindihan eh, puro sila inglis."

------------

"Kuya, alam mo ba ano ibig sabihin ng impeachment?"
"Oo, yun yung ii-impeach mo si Corona. Tama, yun nga."

------------

James Soriano: "We used to think learning Filipino was important because it was practical: Filipino was the language of the world outside the classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.”"

------------

"Kung ayaw mo maholdap sa jeep, wag na wag kang mag iinglis."

------------

Ang hirap yes? Tingin nyo, kung inglis lang ang wika ng lahat, natapos kaya ang Tower of Babel? Makatarungan ba ang ginawa ng Bathala na pag iba ibahin ang wika nang sa gayun ay di daw umabot sa pintuan nya ang tuktok ng tore ng Babel? Ikaw, pano ka magsalita? n_n

Spread this if you liked it »»

Posted in , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

2 Responses to Language Barrier

  1. Ang aking ninuno ay Katsila/Spanish-Ata/Aeta pero Pilipino pa rin ako. Nakakapagsalita ako ng Bisaya, Chavacano, Filipino at Inglis at kunting Hapon na natutunan ko noon nasa koleheyo pa ako. Para sa aking hindi hadlang ang banyagan salita gaya ng Inglis kasi alam ko paano gamitin ang wika at naiintidihan ko. Alam ko hndi lahat ng Pilipino ay nakakaintindi at nahihirapan magsalita ng Inglis.
    Sa tingin ko kabayan kapag isa lang ang wikang ginagamit ng isang bansa may-asenso. Yan ang napansin ko sa bawat bansang aking matapakan. Ang hirap nga sa atin Pilipino tayo pero tayo din mismo ang bumabago ng sariling wika. May sarili tayong wika pero hinahaan nating maghari ang salitan banyaga. Bata pa lang ang anak ko(29 months) kahit Briton siya sinimulan ko sa bahay ko ang pagtuturo ng sariling wika para hindi mabura ang lahing Pilipino. Naniniwala ako na ang wika ay may malaking kontribusyon sa ating bansa.

    ReplyDelete
  2. Malaki talaga ang kontribusyon ng wika sa bansa. Ang di ko lang talaga maintindihan ay kung bakit ginagamit ang wika para makaangat sa kapwa. Kung marunong ka mag english, angat ka sa lipunan. Sa trabaho, kahit Pilipino lang ang kakaharapin sa isang bakanteng trabaho, mas malaki ang posibilidad na mas tatanggapin ang magaling mag english kesa sa magaling mag-Filipino. Naiisip ko nga, bakit ganun? Pano pag magaling nga mag ingles, eh magnanakaw naman? Pano na? n_n

    Anyway highway, salamat sa pag iwan ng kumento mam. Bihira lang kasi napapadpad dto eh.

    ReplyDelete

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.