Helow helo hilo? Kumusta imaginary friends? Long time no see, but now see now. Ayos lang ba? Sarrreh naman kung ngayon lang ulit nagparamdam. Busy sa eschudent life eh. Alam nyo na, mabait akong eschudent eh. Okay, lessgow sago sa topic.
Napansin ko lang, karamihan sa mga palabas ngayon sa tibilisyon at pelikula, eh dalawang babae na ang nag aagawan sa iisang lalake. Anyare manang? Kaya naisipan ko mag tanong kay Google at pagkatapos ng 0.01784 seconds ay nabigyan nya ko ng 110,789 resulta o kasagutan. Lintek na Google talaga yan oh. Anyhow na bangus, napag alaman kong ang ratio na pala ngayon ng babae sa lalake eh nasa 7:1 na. Daw. Ibig sabihon, may pitong babae sa bawat isang lalake. Oh my sabaw!
Kung iisipin mo nga naman nang mabuti, ramdam na ang kakulangan ng lalake nung magsimula na ang telenovela ni Coco Martin. Mantakin mung, sa dami ng artista, ginawa pa talaga syang dalawa, at may kanya kanyang chikas pa, tsk. Ba't nga ba ito yung tema ko? Eh kasi, nakapanood ako ng movie ni Kuya Derek, yumbang A Secret Affair? Aba tsong, pinag aagawan ng dalawang hot chickens si Koya! Haaaaneep! Sana wag mangyari sakin yon!




