Tattoo

Junjun, bakit ka ba nagpatato? Adik ka no? O baka nagaaktibista ka na? Baka sumasali ka sa mga kulto kulto ha.

"Nge, may tattoo pala yung anak ni tito, nakulong na yan?"

At eto yung latest, "Talaga, may tattoo pala yan? Baka kaya nagpunta yan ng Manila kasi may tinakasan sa Davao".

Iilan lang yan sa mga mapanghusgang paningin ng mga tao sa mga tulad ko. Sa lipunang pinamumuhayan natin ngayon, pag may tattoo ka, marumi ka. Kriminal ka. Adik ka. Wala kang kinabukasan. 

Hindi ko sila masisisi, dahil sa Pilipinas, pinipreserba at pinaninindigan ng marami nating kababayan ang pagiging konserbatibo, isang katangiang namana pa natin sa ating mga kanuno-nunoan. Pero nawawala ba ang pagkakonserbatibo ng isang tao pag nagkaroon sya ng pintang di nabubura sa kanyang balat? Bahagi ng ating kultura ang tattoo. Sumisimbolo ito sa katayuan, kakayahan, katungkulan, at maging kadakilaan ng ating mga ninuno. Buong pagmamalaki itong dinadala ng isang tao kahit na san man sya magpunta. 

Pero after how many years, what the hell happened?


Naapektuhan talaga ako nitong napanood kong dokyu, siguro mga 10 times ko na tong pinanood. Ang mga katutubong dati ay proud na proud sa kanilang pagka-pintado, ngayon ay nahihiya na. Kung dati ay napakaganda sa kanila ang may guhit sa balat, ngayon ay nakakadiri na, at pilit nila itong itinatago. Anyare? Kasi daw, pag luluwas ka sa siyudad, nakakatakot ka kung meron kang tattoo. Tatawagin kang taga bundok kung meron kang tattoo. Pandidirihan ka ng KAPWA mo Pilipino. Yung KAPWA mo Pilipinong anak at apo sa katuhod-tuhuran ng mga ipinagtanggol ng mga taong may tattoo. Lahat yan nangyari dahil sa modernisasyon. Hindi naman masama ang umunlad, wag lang sana nating kakalimutan kung saan tayo nagmula. Huwag sana nating hayaang tuluyang manaig ang "westernization" sa ating isipan. It's more fun in the Philippines sabi nga nila, sana nama'y hindi lang para sa mga turistang hinahakot natin ang FUN na yan, kundi para din sa ating mga kababayan.

Sabi nga ni VG, "Porke ba may tattoo kriminal na agad? Di ba pwedeng Igorot lang talaga?".

Maganda pa ang nanay ko sa umaga. Happy kaarawan mama :D

Spread this if you liked it »»

Posted in , , , , , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

One Response to Tattoo

  1. I salute these living legends!

    although it is true na dito sa syudad, iba ang impression ntn sa mga may tato, either trip lang, or adik, or ex-convict....

    ako, no way, di ako magpapatato, it's the hurts, and bawal, magagalit tatay q skn hehe

    Happy Birthday sa iyong mama!

    :))

    ReplyDelete

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.