Archive for 2013

Kung Ako Lang Yung Nanalo

Tapos na eleksyon. Malapit na naman ang pasukan. Pasukan ng mga bata sa skwela. Pasukan ng pera sa bulsa ng mga bagong halal. Pero huwag tayong magpopokus jan, nakaka-stress. Dun tayo sa temang eskwela.

Marami sa mga kamoteng Pinoy ngayong June ang maluha-luha na namang maiinggit sa mga batang papasok sa eskwela. Oo nga't ipinagmamalaki ng ating gobyernong "matuwid" na sangkaterbang scholarships ang nakalaan para sa mga kabataang matatalino ngunit kapos sa pang-aral. Ay anak ng puto-kutsintang-binudburan-ng-bulbul-ni-Mang-Kanor naman yan! It's so unfair! Pano naman yung mga hindi matalino? Nganga na lang ganon? Kung ako yung nahalal nung hi-tek na eleksyon, papag-aralin ko ang lahat ng babaeng magagandang mahirap. Wala nang exam-exam, magdala lang ng whole body picture, pwede na! At wag kayong malisyoso't malisyosa, nagmamagandang loob po lamang. Nakakaawa naman kasi, ang ganda nga, pag tinanong mo naman ng 10 x 5 / 5 = ____. Nganga.

Kaya karamihan sa mga ito, napupunta na lang sa mga club at nasasadlak sa prostitusyon at napupunta lang sa mga Hapong "chin-chin-tabiru" naman kahit maraming pera. Kahapon nga, may nakausap ako, tanong ko sa kanya, "Pano mo sya naging pamangkin?", at sinagot nya ko ng maayos.

"Kasi noon, mag-pinsan lang kami. Pero ngayon, Tita nya na'ko".

O diba ang linaw? Kung makakapag-aral lang sana yun e malamang, mas malinaw pa dun yung eksplinasyon niya. May isang magandang prosti din dun sa Malate, matapos makainom ng tubig baha nung minsang bumagyo, pag-uwi ng bahay, uminom ng mainit na tubig para daw mamatay ang germs. Di ba kawawa? Kaya kung ako ang nasa posisyon, paaaralin ko sila, para fair!

Okay, scholarship para sa lahat na lang. Kasali na din mga mahihirap na di magaganda. Parang luging lugi kasi eh.


Posted in , , , | 11 Comments

Gamitan Poly-Tics

Sa panahon ng ngayon, gamitan na ang patok sa pulitika. Gamitan ng apelyido.


Photo credits to FB.com/SenyoraOfficial

So sa darating na eleksyon, bahala na kayo kung kaninong anak, pamangkin, apo, o inaanak kayo boboto. Or, let's all not vote na lang kaya? Syempre joke yun :)

Posted in , , , | 5 Comments
All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.