Archive for December 2011

Pasko! Pasko! Pasko???



"Plonk, plak, plak, plonk."
"Jingle bells, jingle bells, jingle ol da weee, owas pun darestawran inawanders open sweee."

Agaw eksena ang awitin ng batang bigla na lang sumabit sa dyip na sinasakyan ko papuntang Marikina. Sa gitna ng trapik, nagsasabugang busina ng mga sasakyan, pilit na itinaas ng bata ang kanyang tinig para lang sya mapansin at masidlan ng konting barya ang kanyang mga sobre. Naisip ko ang laman ng bulsa ko. Singkwenta na lang. Kawawa naman ako, namumulubi.

Babaeng titig na titig sa iPhone nya : Huy bading magbigay ka naman!
Baklang nakasuot ng Arellano U t-shirt: Nge, lugi na nga ako ng piso sa pasahe eh.

Sa narinig kong iyon, napaisip ako. Akala ko ba Pasko? Diba tuwing Pasko pinaka-eksayted ang mga taong magbigay at mabigyan? Pero ba't ganun sila? Di na nga nagdemand ang batang babae, kahit piso lang, matutuwa na yun sigurado.

Taon taon ginugunita ang okasyong ito. Mauumay ang tenga mo sa mga katagang "pagmamahalan", "pagbibigayan", "pagpapatawaran", "kasiyahan". Sa pagkaumay nga e nasuka na ang tenga ko, masakit na pakinggan kasi di sumasang-ayon ang mata at tenga ko. Pag ganitong season, nagkalat ang sale, at nagkakandaugaga ang iba sa pagbili ng mga makamundong luho. Ang tanong nga lang e, importante ba yun? Aanhin mo yung bagong damit sa Pasko kung ang baho naman ng pagkatao mo ay malupit pa sa amoy ng bumbay na nagpapa-utang sa inyo? Para bang inaabangan ang Pasko taon taon para sa bagong damit. Para sa Noche Buena. Para sa regalo. Para sa mga chikas tuwing simbang gabi. Di ako yung religious type ng tao, pero masasabi ko, mali na ang paraan ng pagdiriwang ng kapaskuhan ng karamihan sa atin ngayon.

Di pa naman siguro ito ang huling Pasko natin, sana naman sa susunod, bigyan din natin ng halaga yung TOTOONG DIWA ng Pasko. As in yung totoo ha, hindi yung pakitang totoo lang, este pakitang tao.

---------
Bumaba ako ng dyip na nakangiti. Kahit na kulang na pamasahe ko pauwi. n_n

Posted in , | 1 Comment

Just Another Story



Once upon a time, there was a caribou. He said "Hello." to the radish because he had always been told to be polite to everyone, animal or vegetable. The radish didn't respond, either because radishes don't normally talk, or because it noticed that the caribou had no arms.

The End.

Posted in , | Leave a comment

Our Story



Once upon a time, there was a boy on earth who liked a girl on the moon. He was good at making paper airplanes. She was suppose to put the stars up in the night sky. He was industrious and hardworking. She liked to take naps. This is their story of a long distance love.

Posted in , , | 1 Comment

Ang Panimula

Hep hep hep, bagong lipat lang po. Galing ako ng Tumblr, ngunit sa kasamaang palad, kasabay ng pagkakawalis ng kabahayan at daan daang buhay sa pagdaan ni Sendong ay siya ring pagkawala ng Tumblr account ko. Ewan ko ba pano nangyari, pero di ko na sya mabuksan. Kaya eto ako ngayon, makikitira sa subdivision ng mga sikat na bloggers.

Ang blog na ito ang magiging panibagong tirahan ng samutsaring kaisipan na kahit anong pilit kong itago ay umaalingasaw parin. Pinangalanan itong "Matchstick-Thoughts" sapagkat, obvious naman siguro kung bakit, dahil singpayat ng palito ang may ari nito. Wala akong pakialam kung anong pinopost ko, kaya kung sa tingin mo'y konserbatib ka, pindutin mu na lang kagad yung pulang X sa sulok ng browser mo, okey ba?

Mahirap ang magsimula, pero alam ko, makakaya ko ulit ito.



Sa mga magwewelcome sa'kin, kahit alam kong malabong meron, salamat na rin. Sa mga magsasabing, "Eto na naman, panibagong blog na walang kwenta", salamat parin, at least nabigyan mo ng pansin ang blog ko.

Ito na ang simula. n_n

Posted in , | 2 Comments
All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.