"Plonk, plak, plak, plonk."
"Jingle bells, jingle bells, jingle ol da weee, owas pun darestawran inawanders open sweee."
Agaw eksena ang awitin ng batang bigla na lang sumabit sa dyip na sinasakyan ko papuntang Marikina. Sa gitna ng trapik, nagsasabugang busina ng mga sasakyan, pilit na itinaas ng bata ang kanyang tinig para lang sya mapansin at masidlan ng konting barya ang kanyang mga sobre. Naisip ko ang laman ng bulsa ko. Singkwenta na lang. Kawawa naman ako, namumulubi.
Babaeng titig na titig sa iPhone nya : Huy bading magbigay ka naman!
Baklang nakasuot ng Arellano U t-shirt: Nge, lugi na nga ako ng piso sa pasahe eh.
Sa narinig kong iyon, napaisip ako. Akala ko ba Pasko? Diba tuwing Pasko pinaka-eksayted ang mga taong magbigay at mabigyan? Pero ba't ganun sila? Di na nga nagdemand ang batang babae, kahit piso lang, matutuwa na yun sigurado.
Taon taon ginugunita ang okasyong ito. Mauumay ang tenga mo sa mga katagang "pagmamahalan", "pagbibigayan", "pagpapatawaran", "kasiyahan". Sa pagkaumay nga e nasuka na ang tenga ko, masakit na pakinggan kasi di sumasang-ayon ang mata at tenga ko. Pag ganitong season, nagkalat ang sale, at nagkakandaugaga ang iba sa pagbili ng mga makamundong luho. Ang tanong nga lang e, importante ba yun? Aanhin mo yung bagong damit sa Pasko kung ang baho naman ng pagkatao mo ay malupit pa sa amoy ng bumbay na nagpapa-utang sa inyo? Para bang inaabangan ang Pasko taon taon para sa bagong damit. Para sa Noche Buena. Para sa regalo. Para sa mga chikas tuwing simbang gabi. Di ako yung religious type ng tao, pero masasabi ko, mali na ang paraan ng pagdiriwang ng kapaskuhan ng karamihan sa atin ngayon.
Di pa naman siguro ito ang huling Pasko natin, sana naman sa susunod, bigyan din natin ng halaga yung TOTOONG DIWA ng Pasko. As in yung totoo ha, hindi yung pakitang totoo lang, este pakitang tao.
---------
Bumaba ako ng dyip na nakangiti. Kahit na kulang na pamasahe ko pauwi. n_n
Search
About Me
- PALiiiTS
- Matinong parang hindi. Bobo din minsan, kelangan yun e. Gusto ko maging superhero, pero di bagay sa katawan ko. Marami akong gusto, pero isusulat ko na lang. Pwede tayong magkita, basta pramis na pipikit ka.
Popular Posts
-
Come what may. Hey, few days from now, Miss April'd be a goner and Miss May'll shake her flowery arse to the people! Anyway, th...
-
When Michael Goodman uploaded a video about the things he hate about the Philippines, I admired his honesty. Sadly, instead of taking it ...
-
Kung isa ka sa mga batang 90's, siguro'y alam mo yung joke na to. May tatlong nagkasala sa tribo. Syempre, kasi nga 90's ang jok...
-
WOW! That was my first impression when I saw that the Kony 2012 video had 66 million views, four days after its upload. WOW! Another ...
-
when i die, my atoms will come undone; i'll be space dust, once again.