A Secret Affair


Helow helo hilo? Kumusta imaginary friends? Long time no see, but now see now. Ayos lang ba? Sarrreh naman kung ngayon lang ulit nagparamdam. Busy sa eschudent life eh. Alam nyo na, mabait akong eschudent eh. Okay, lessgow sago sa topic.

Napansin ko lang, karamihan sa mga palabas ngayon sa tibilisyon at pelikula, eh dalawang babae na ang nag aagawan sa iisang lalake. Anyare manang? Kaya naisipan ko mag tanong kay Google at pagkatapos ng 0.01784 seconds ay nabigyan nya ko ng 110,789 resulta o kasagutan. Lintek na Google talaga yan oh. Anyhow na bangus, napag alaman kong ang ratio na pala ngayon ng babae sa lalake eh nasa 7:1 na. Daw. Ibig sabihon, may pitong babae sa bawat isang lalake. Oh my sabaw!

Kung iisipin mo nga naman nang mabuti, ramdam na ang kakulangan ng lalake nung magsimula na ang telenovela ni Coco Martin. Mantakin mung, sa dami ng artista, ginawa pa talaga syang dalawa, at may kanya kanyang chikas pa, tsk. Ba't nga ba ito yung tema ko? Eh kasi, nakapanood ako ng movie ni Kuya Derek, yumbang A Secret Affair? Aba tsong, pinag aagawan ng dalawang hot chickens si Koya! Haaaaneep! Sana wag mangyari sakin yon!


Nung unang panahon, panahon pa ng Hapon, ang dalagang Pilipina, lagi lang nakakulong sa bahay yan, nagsusuklay ng pagkahaba habang buhok at dumudungaw dungaw lang sa malaking bintana (dati wala pang grills ang mga bintana at super laki talaga, yun nga siguro ang purpose ng bintana non eh, para may madungawan ang dalagang Pilipina). Kahit na di sya bumabalandra sa kalsada, aba wag ka, kung mahaba ang pila sa LRT, mas mahaba ang pila ng manliligaw nyan.

Sa kasalukuyang panahon naman, ang dalagang Pilipina, kung kumendeng sa kalsada eh kulang pa ang 4-lanes. Pero kahit na anong hampas pa nyan ng bewang papunta sa magkabilang sulok ng Milky Way, pag uwi nyan, single pa rin yan. Bakit? Tatanong ka pa eh, kasi nga, 7:1 na ang ratio ng babae sa lalake.

Kaya konting payo lang sa kababaihan natin jan, wag na kayong choosy. Wag na yung, "Eeek, ayoko jan, ang itim itim, parang pwet ng kaldero!", or "Yaaak, ang laki ng ilong, ayoko jan, masinghot pa ko nyan e!". Tandaan nyo mga chickens, marami kayong kakumpetisyon, 7:1 na nga e. Bahala ka, pag ikaw di mo pa pinatulan yang last na manliligaw mo, baka umabot ka sa 70, single ka parin at looking.

Wag mo kakalimutan Miss, 7:1. Yung konti, dapat pinapahalagahan. Tulad ng diamonds. Kaming mga lalake 
ngayon, parang dyamante yan, mga babae, parang bigas na lang (pero joke lang naman).

Pero huwag kang mag alala babes kung single ka pa rin til now. Malay mo, bukas o sa makalawa, or maybe next year, single ka pa rin? Walang pinagbago. Walang adjustments. Pero seryoso, mahirap maging single sa Pasko.

Namamasko po!

Spread this if you liked it »»

Posted in , , , , , , , . Bookmark the permalink. RSS feed for this post.

Leave a Reply

All rights pickled in a jar. Powered by Blogger.

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.